Isinalaysay ni Supreme Court Associate Justice Francis Jardeleza ang ginawang manipulasyon ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa kanyang aplikasyon para maging mahistrado ng Supreme Court.
Sa kanyang testimonya sa pagdinig ng House Justice Committee sa impeachment complaint laban kay Sereno sinabi nito na nakatanggap siya ng impormasyon kaugnay sa pagkwesyon ng Punong Mahistrado sa kanyang integridad dahil sa kanyang paghawak sa kaso ng West Philippine Sea.
Sinabi anya ni Sereno na salig sa Judicial and Bar Council rules na kailangang maisantabi ang aplikasyon kung may kumukwestyon sa integridad nito.
Nakabatay rin dito na dapat ay unanimous ang boto ng JBC para mapasama sa shortlist ang isang aplikante dahilan upang malaglag ang pangalan ni Jardeleza.
Sa kanya namang testimonya sinabi ni dating Associate Justice Arturo Brion na naglabas siya noon ng concurring opinion sa ginawa ni Sereno kay Jardeleza kung saan nakasaad dito na minanipula ng Chief Justice ang JBC para maalis ang pangalan ni Jardeleza.