Nagharap sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ang mga dating kalihim ng Department of Health na sina Janneth Garin at Paulyn Ubial.
Ipinaliwanag ni Ubial na ayaw daw sana nyang ituloy ang dengue vaccination program ng gobyerno gamit ang Dengvaxia ng Sanofi Pasteur pero iginiit nito na wala syang choice dahil nasa damage control na umano ang DOH noon
Dagdag pa ni Ubial, mayroon din umano na mga nagbabala sa kanya noon na makakasuhan siya kapag hindi ipinatupad ang dengue vaccination dahil may kontrata.
Binalaan rin umano siya dati ng ilan mga kongresista na makukulong siya kapag hindi niya ipinatupad ang dengue vaccination program ng DOH.
Samantala, sinabi naman ni Department of Budget and Management Dir. Cristina Clasara na may approval ng Office of the President sa pamamagitan ni dating Eexecutive Sec. Paquito Ochoa ang paggamit ng savings para sa dengue vaccine
Ayon kay Clasara, bahagi ang P3 Billion na pondo para sa dengue vaccine sa P12 Billion mula sa MPBF o Miscellaneous Personnel Benefit Fund na ginamit din sa ibang health programs.