Operasyon ng Libre Taxi ipinatigil ng LTFRB

Isa pang Transportation Network Company (TNC) ang ipinahinto ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ayon sa LTFRB, hindi nakipag-ugnayan ang LibreTaxi sa kanilang ahensya kaya hindi ito maaaring mag-operate.

Inatasan ng LTFRB ang naturang TNC na itigil ang lahat ng bookings nito dahil ikinukunsiderang colorum ang mga sasakyan nito.

Ang LibreTaxi ay isang ride-sharing application sa smartphones kung saan maaaring makipagnegosasyon ang rider sa magiging pamasahe.

Samantala, sinabi ng LTFRB na patuloy ang kanilang pagtanggap sa mga reklamo laban sa ilang TNC service providers at mga taxi lalo na ngayong panahon ng kapaskuhan.

Kanila ring tiniyak na tinutugunan nila ang bawat reklamo na kanilang natatanggap.

Read more...