Mga naging pambato ng Pilipinas sa Miss Universe, nagsama-sama sa isang charity event

 

Mula sa preen.inquirer.net

Nagsama-sama ang mga pinakamagagandang babae sa balat ng lupa noong Sabado para sa Miss Universe Fashion Charity Gala.

Bukod sa pagkikita ng tatlong huling title holders ng Miss Universe na sina 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach, 2016 Miss Universe Iris Mittanaere, at bagong 2017 beauty queen na si Demi-Leig Nel-Peters, ay nagsama-sama rin sa isang kwarto ang maituturing na Philippines’ Universe Squad.

Sa posts ng mga nakaraang kandidata ng Pilipinas para sa Miss Universe sa kanilang mga Instagram accounts ay makikita ang mga behind-the-scenes sa naturang Charity Gala.

Makikita sa mga posts sina Binibining Pilipinas 2009 Bianca Manalo, Miss Universe 2010 4th runner up Venus Raj, Miss Universe 2011 3rd runner up Shamcey Supsup, Miss Universe 2013 rd runner up Ara Arida, Binibining Pilipinas 2014 MJ Lastimosa, Binibining Pilipinas 2016 Maxine Medina, at ang pinakahuling manok ng bansa para sa Miss Universe 2017 na si Rachel Peters.

Ang naturang Charity Gala ay isang model-for-a-cause event para sa Hope for Change na ginanap sa Solaire Ballroom.

Inirampa ng mga nanalo at dating kandidata ng Miss Universe ang mga gowns na dinisenyo ng mga kilalang Filipino fashion designers tulad ni Francis Libiran, Mark Bumgarner, at Rajo Laurel.

Read more...