Katawan ng hinihinalang ginahasa na batang babae, natagpuan sa Rizal

Natagpuan ang wala nang buhay na katawan ng isang batang babae sa madamong bahagi ng Sitio Pandayan sa Barangay Batingan sa Binangonan, Rizal.

Hinihinalang hinalay ang bata dahil nang matagpuan ito ay wala na itong suot na saplot pang-ibaba.

Ayon sa hepe ng Rizal police na si Senior Superintendent Albert Ocon, nagtamo ng head injuries ang bata na posibleng sanhi ng pagkamatay nito.

Patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng bata.

Read more...