Kaliwa’t kanang kilos protesta, isinagawa kasabay ng Human Rights Day

Kuha ni Juan Bautista

“Itigil ang karahasan”

Ito ang panawagan ng mahigit-kumulang 1,500 na miyembro ng In Defense of Human Rights and Dignity Movement o iDEFEND sa nagpapatuloy na kilos-protesta sa bahagi ng Mendiola, Lungsod ng Maynila.

Ito ay bilang paggunita ng International Human Rights Day ngayong araw.

Ayon kay Rosemarie Trajano, Secretary-General ng Phil. Alliance of Human Rights Advocates, bilang isang abogado, dapat pangunahan ng Punong Ehekutibo na ituro ang tunay na konsepto nito sa publiko.

Samantala, giit pa ni Trajano, layon ng protesta na iparating sa mundo ang tindi ng sitwasyon ng patayan sa bansa bunsod ng aniya’y pang-aabuso ng kasalukuyang administrasyon sa karapatang-pantao.

Importante aniyang ipaalala hindi lamang sa mga Pilipino kundi sa buong mundo na dapat lahat ay magpagkalooban ng pantay-pantay na karapatan.

Maliban sa karapatang-pantao, ipinarating din ng grupo ang pagtutol sa pagdedeklara sa CPP-NPA bilang isanh teroristang grupo at sa planong pagpapatupad ng revolutionary government sa bansa.

Nagsimula ang protest march ng grupo sa Welcome Rotonda, Quezon City at tinapos ang programa sa Mendiola.

Read more...