Martial Law extension sa Mindanao, pinag-aaralan pa ni Pangulong Duterte

Inquirer file photo

Natanggap na ng Malacañang ang rekomendasyon ng Department of National Defense, Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police na pagpapalawigin sa umiiral na martial law sa buong rehiyon ng Mindanao.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sa ngayon ay pinag-aaralan pa ni Pangulong Rodrigo Duterte kung kailangan pa bang i-extend ang martial law sa rehiyon.

Pangunahing concern aniya ng pangulo ang seguridad ng mga tao partikular na ng mga taga-Mindanao.

Noong nakaraang Biyernes, inirekomenda ng AFP kay Pangulong Duterte na palawigin pa ng martial law sa Mindanao na matatapos na sa December 31, 2017.

Una nang sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar na batay sa intelligence reports, nagpa-plano ang teroristang grupo na Daulah Islamiyah na atakihin ang isa pang lungsod sa bansa.

Sapat na aniya itong dahilan para patagalin pa ang pag-iral ng batas militar sa Mindanao.

Read more...