Dating pangulo ng Georgia na si Mikheil Saakashvili, arestado sa Ukraine

Posibleng limang taong pamamalagi sa piitan ang sapitin ni Former Georgian President Mikheil Saakashvili matapos ang pag-aresto sa kanya ng Ukrainian Police.

Pinaghihinalaang tumatanggap si Saakashvili ng pera mula sa isang grupo ng sindikato na layong patalsikin si Ukrainian President Viktor Yanukovych.

Nanilbihan bilang regional director ng Ukraine si Saakashvili na nangunguna sa ilang mga anti-corruption rallies laban sa dati niyang kaalyadong si Poroshenko.

Ayon sa Ukraine prosecutors, mayroon silang ‘audio’ at ‘video recordings’ na magpapatunay na tumanggap ng libu-libong dolyar ang dating opisyal sa mga kriminal.

Itinanggi naman ni Saakashvili ang mga akusasyon at sinabing ang mga ito ay dahil lamang sa pulitika.

Peke anya ang sinasabing mga recordings.

Bago manilbihan sa Ukraine ay nanilbihan si Saakashvili sa Georgia bilang pangulo sa loob ng halos sampung taon.

Read more...