2 mangingisda, nawawala sa baybayin ng Sta. Cruz, Ilocos Sur

Nawawala ang dalawang mangingisda matapos umanong tumaob ang kanilang sinasakyang bangka sa baybayin ng Barangay Pinipin sa bayan ng Sta. Cruz sa Ilocos Sur.

Kinilala ang dalawang mga mangingisda na sina Nelson Arbollente at Dorque Ruiz.

Ayon kay Senior Superintendent Jovencio Badua Jr., hepe ng Ilocos Sur police, kasama nina Arbollente at Ruiz ang apat pang mga mangingisda nang lumayag ang mga ito bagaman masama ang panahon.

Agad na nasagip sa may Barangay Apatot sa bayan ng San Esteban ng mga manlalayag ng MV Ocean International ang iba pang mga mangingisda na sina Reggie Quintinita, Rey Quintinita, Neil John Estocia, at Teofilo Callejo.

Patuloy pa ang search and rescue operations ng mga otoridad para mahanap ang mga nawawalang mangingisda.

Read more...