Kinilala ang biktimang si Leon Gamat na tinatayang nasa mahigit limapung taong gulang.
Ayon sa karelasyon ng biktima, may kasamang tatlong mga kaibigan si Gamat habang nag-iinuman sa kanyang bahay.
Nagkaroon umano ng pagtatalo si Gamat at isang alyas Payat.
Matapos ang insidente ay saglit na umalis si alyas Payat at pagbalik ay kasama na nito ang kapatid. Dito na nila pinagtulungang pagsasaksakin si Gamat.
Agad na tumakas ang dalawa mula sa pinangyarihan ng krimen.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa tunay na motibo sa pamamaslang, habang pinaghahanap na rin ang mga salarin dito.