Kinumpirma ng grupong Philippine Riders ang isasagawa nilang kilos protesta bukas sa EDSA People Power monument kasabay ng paggunita ng Human Rights Day.
Ayon kay Don Pangan, tagapagsalita ng grupo, layun ng pagkilos na iparating sa mga metro mayors at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang pagkontra sa plano na pagbabawal sa kanila sa EDSA at iba pang national road sa Metro Manila.
Masama ang loob ng grupo dahil hindi nila malaman kung bakit sila ang pinag-iinitan ng MMDA at itinuturong ugat ng trapiko sa edsa.
Giit ni Pangan, nakakatulong pa nga sila sa trapiko dahil na-eenganyo ang ibang motorista na bumili ng sarili nitong motorsiklo.
Naniniwala ang grupo nila na pagtapak sa kanilang karapatan ang plano ng Metro Manila Council dahil bumili lamang sila ng motorsiklo para makaiwas sa trapiko at makarating sa oras sa trabaho.