Ipinag-utos ng Department of Interior and Local Government sa Philippine National Police at Bureau of Fire Protection ang pagpapatupad ng mas mahigpit na patakaran sa paggamit ng paputok at iba pang pyrotechnic devices ngayong Pasko at Bagong Taon.
Ayon kay DILG Officer-in-Charge Catalino Cuy, magsasagawa ng mga inspeksyon ang PNP at kukumpiskahin ang mga ipinagbabawal ng paputok bilang pagpapatupad sa umiiral na Republic Act 7183 at Executive Order No. 28.
Samantala, bibigyang suporta naman ng BFP ang PNP sa pagpapatupad ng Executive Order lalo na ngayong Christmas Season, kung saan inaasahang gagamit ng mga paputok at pyrotechnic devices ang publiko.
Layon ng DILG na makamit ang zero firecracker-related injuries at casualties ngayong taon.
Ayon sa DILG, aabot sa 350 firework-related incidents ang naitala noong nakalipas na January 1, 2017.
Nauna nang sinabi ng PNP na bumaba ng halos ay 20-percent ang bilang ng mga nagsumite ng aplikasyon para sa paggawa ng mga paputok ngyaong taon.