Gilas Pilipinas, haharap na sa 2015 FIBA Asia Championship

Gilas-Jones-CupMatapos ang halos dalawang buwang pag-eensayo, tutungo ngayon ang Gilas Pilipinas sa Changsha, China upang humarap sa 2015 FIBA Asia Championship sa September 23 hanggang October 3.

Ayon kay international coach Tab Baldwin, umaasa siya na sapat ang ginawa nilang preparasyon upang magwagi sa nasabing laban.

Inaasahan din ng international coach na mas gaganda pa ang laro ng Gilas sa mga susunod na araw para sa koronang naghihintay para sa isang automatic Asian spot para sa 2016 Rio De Janeiro Olympics.

Matapos ang pag eensayo ng grupo sa Meralco gymnasium, pinuri ni SBP President Manny V. Pangilinan ang mga miyembro ng koponan, dahil sa kanilang dedikasyon para makapasok sa Olympics, na huli pang nagawa ng Pinoy noong 1972.

Suportado rin ang grupo nina SBP executive director Sonny Barrios, Meralco executive vice president Al Panlilio, dating PBA board chairman Patrick Gregorio at dating coach at Meralco top official Ryan Gregorio.

Kabilang sa Final 12 na siyang magdadala ng pangalan ng Pilipinas sina naturalized player Andray Blatche, Asi Taulava, Sonny Thoss, Gabe Norwood, Ranidel de Ocampo, Matt Ganuelas-Rosser, JC Intal, Dondon Hontiveros, Marc Pingris, Terrence Romeo, Calvin Abueva, at Jayson Castro.

Read more...