Nakuha ni Filipino – Australian Jason Day ang kaniyang ika-apat na panalo at itinanghal na champion sa BMW Championship. Dahil dito, number one na si Day sa world golf ranking.
Tinapos ni Day ang tournament sa two-under-par 69 to finish at 22-under par 262 na ginagap sa Lake Forest Illinois.
Ito na ang ikapitong panalo ni Day sa iba’t ibang tournament, kabilang ang Farmers Insurance open, Candian Open at PGA Championship.
Dahil sa pinakabagong tagumpay ni Day, siya ang ikatlong Australian na naging number one sa ranking ng Golf sa buong mundo, kasunod nina Greg Norman at Adam Scott.
Ang ina ni Day na si Dening ay tubong Tacloban, pero nag-migrate ito sa Australia mahigit 30 taon na ang nakararaan.
Noong nanalasa ang bagyong Yolanda sa Pilipinas, walong kaanak ni Day ang nasawi kabilang ang kaniyang lola.