Sa isang panayam, sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez na mayroon na lang kasing isang linggo ang Kongreso upang talakayin ang pagpapalawig sa Batas Militar.
Kailangang maaprubahan ng mababang Kapulungan ng Kongreso at ng Senado sa isang joint session ang ‘extension request’ upang maipatupad ito.
Magtatapos ang sesyon ng Kongreso para sa taong ito sa Miyerkules, December 13.
Iginiit ni Alvarez na kailangan nang hilingin ito ng pangulo sa lalong madaling panahon upang matalakay na sa susunod na linggo at madesisyunan.
Nauna na ngang nagsumite ng rekomendasyon ang Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of National Defense (DND) sa pangulo na palawigin ng isang taon pa ang batas militar sa Mindanao.