Weekend, magiging maulan ayon sa PAGASA

Dalawang weather system ang makakaapekto ngayong weekend sa buong bansa.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan ang tail-end of cold front sa CALABARZON, Bicol Region, MIMAROPA, lalawigan ng Aurora at Eastern Visayas.

Ibinabala ng ahensya ang posibleng pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa mga pag-ulan na maaaring maging malakas kung minsan.

Samantala, iiral naman ang Northeast Monsoon o Hanging Amihan sa Metro Manila at sa natitira pang bahagi ng Luzon.

Hindi naman masyado makakaapekto ang Hanging Amihan sa mga nabanggit na lugar.

Sa nalalabi namang bahagi ng bansa ay makararanas ng katamtamang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na minsan ay may pulo-pulong pag-ulan.

Read more...