AFP, tiniyak na walang maaabuso sakaling palawigin ang martial law

Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines na walang human rights abuses na magaganap sakaling palawigin pa ang martial law sa Mindanao.

Ito ay matapos pormal na hilingin ng AFP ang isang taon pang extension ng batas militar.

Ayon kay AFP Spokesperson Maj. Gen. Restituto Padilla, tutugon ang militar sa anumang imbestigasyon kung may mga mapapaulat na ginawang pang-aabuso ang kanyang hanay sa kasagsagan ng martial law.

Ani Padilla, ang AFP ay isang organisasyong may ‘transparency’, gumagalang sa karapatang pantao at sumusunod sa ‘international humanitarian law’.

Iginiit ng opisyal na sumusunod ang mga sundalo sa ‘rules of engagement’ at patuloy itong isasagawa sakaling mapalawig ang batas militar.

Ang implementasyon ng martial law sa Mindanao ay nakatakda nang magtapos sa December 31.

Read more...