Pinasala sa Marawi City dapat i-preserve ayon kay Architect Jun Palafox

Radyo Inquirer File Photo | Erwin Aguilon

Iminungkahi ng isang kilalang urban planner na i-preserve ang pinsalang iniwan ng bakbakan sa Marawi City at gawin itong memorial.

Sa isang panayam, sinabi ni Architect Jun Palafox na hindi na dapat i-rebuild ang lungsod at sa halip ay gawin na lang memorial ito para sa mga nasawi sa bakbakan.

Sinabi ni Palafox na sa halip na itayong muli ang bahaging ito ng lungsod, gumawa na lamang ng makabagong mga lungsod sa Marawi at Lake Lanao na mas mapapangalagaan at environment friendly.

Ibinahagi niya ang kanyang ideya sa mga itatayong kalsada kung saan one-third nito ay ilalaan sa mga puno at landscaping, one-third para sa pedestrian at bisikleta, at one-third para sa mga sasakyan.

 

 

 

 

Read more...