Inilunsad ng Manila Cathedral sa Intramuros, Maynila ang bago nitong logo kasabay ng selebrasyon ng 60th anniversary ng simbahan,
Sa selebrasyon ng anibersaryo ng ‘rebuilding’ ng Manila Cathedral, magagamit na nito ang official logo at tagline.
Sa launching, ipinaliwanag ni Fr. Kali Llamado, vice rector ng Manila Cathedral na sa itaas na bahagi ng logo, makikita ang façade ng simbahan, habang buwan at wlaong bituin naman sa ibaba sumisimbolo kay Birheng Maria.
Maliban sa bagong logo, inilunsad din ang magiging bagong tema at tagline ng Cathedral na “First our Church, Forever our Mother”.
Ang launching ay dinaluhan nina Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle at Papal Nuncio Gabriele Caccia.
MOST READ
LATEST STORIES