Binalaan ng pamahalaan ang International Criminal Court na mag-ingat at huwag magpagamit sa mga destabilizer na walang ibang hinangad na pabagsakin ang pamahalaan.
Sa statement ng Pililipinas na binasa ni Presidential Spokesman Harry Roque sa 16th Assembly of State Parties to the Rome of the Internatioanl Criminal Court na ginanap sa UN-Headquarters sa New York, sinabi nito na dapat ay ‘last resort’ na ang ICC intervention dahil ginagawa naman ng gobyerno ng Pilipinas ang trabaho nito lalo na ang pagkakaugnay ng terorismo at illigal drug trade.
Dapat lang umano na pumasok ang ICC kung mapatunayan nilang walang ginagawa ang bansa para iresolba ang naturang mga problema.
Tiniyak din ng Pilipinas na nanatili silang tapat sa pagpapatupad ng ICC para masigurong hindi nila pinapabayaan na lumaganap ang kremin sa mga member states nito.
Kung meron man umanong mga grupong magsumbong o lumapit sa ICC ay marapat lang na huwag ito basta padadala dahil ang mga ito ay grupo o indibidwal lamang na may balak i-destabilize ang gobyerno ng Pilipinas.