Gastos ng mga batang tatamaan ng severe dengue, sagot ng Philhealth ayon sa DOH

Sasagutin na Philhealth ang gastusin sa pagpapa-ospital ng mga batang tatamaan ng severe dengue dahil sa Dengvaxia vaccine.

Sa gitna na rin uito ng kontrobersiya sa Dengvaxia, ang anti-dengue vaccine na ibinigay ng Department of Health (DOH) sa mga batang Filipino.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na aabot sa P16,000 ang ico-cover ng Philhealth sa servere dengue cases.

Kasabay nito, bumuo na rin ng Task Force on Dengvaxia ang DOH na tutok sa school-based immunization gamit ang Dengvaxia.

Bubuuin ang task force ng pinakamamataas na management officials ng DOH Central Office at ng mga apektadong rehiyon, Food and Drug Administration (FDA), Philhealth, at the National Children’s Hospital.

Layunin ng task force na i-review ang ginawang dengue vaccination na nagsimula noong March 2016.

Magpapakalat din aniya ang DOH ng tatlumpong karagdagang surveillance officers sa apat na rehiyon kabilang na National Capital Region, Central Luzon at CALABARZON kung saan ginawa ang launching ng anti-dengue vaccination.

Magkakaroon din ng legal team ang task force paara bususiin ang accountability sa ng Sanofi Pasteur na manufacturer ang Dengvaxia.

Hihingi rin ng refund ang DOH sa Sanofi para sa P3.5 bilyon na ibinayad sa bakuna.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...