Daan-daang katoliko ang dumalo sa misa na idinaos sa Manila Cathedral bilang paggunita ngayong araw sa kapistahan ng Immaculate Conception.
Ang misa ay pinangunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.
Sumentro sa grasya at pagpapala ang homily ni Tagle.
Kabilang naman sa nagkaloob ng komunyon sa mga dumalo sa misa ay ang bagong papal nuncio sa Pilipinas na si Archbishop Gabriele Giordano Caccio.
Samantala, sa Immaculate Conception Cathedral sa Cubao, marami rin ang dumalo sa maagang misa sa kabila ng naranasang malakas na buhos ng ulan.
Tatlong magkakasunod na misa ang idinaos sa nasabing simbahan na inumpisahan ng alas 5:30, at sinundan ng misa ganap na alas 10:30 at alas 12:00 ng tanghali.
Taun-taon, tuwing Dec. 8, ginugunita ng Simbahang Katolika ang Feast of the Immaculate Conception.