Police Lady Bike Patrollers, inilunsad sa Pasig

PDI Photo | NIÑO JESUS ORBETA

Inilunsad ng Pasig City police ang “Police Lady Bike Patrollers” at “Oplan Wild Wild West”.

Layon ng nasabing programa na palakasin ang anti-criminality campaign sa lungsod lalo na ngayon holiday season.

Ang lady bike patrollers ay programa ng Eastern Police District (EPD).

Ang mga babaeng pulis na napili para sa naturang programa ay sumabak sa Bicycle Patrol Training.

Gamit ang bisikleta, susuyurin ng mga bike patrollers ang mga barangay sa Pasig City gayundin ang mga matataong lugar gaya ng mga mall, palengke at iba pa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...