Kerwin Espinosa at Chief Insp. Jovie Espenido, nagkaharap sa korte

Inquirer.net Photo | Tetch Torres-Tupas

Nagharap sa pagdinig sa korte sa Maynila sina self-confessed drug supplier Kerwin Espinosa at dating Albuera Police Chief Insp. Jovie Espenido.

Kapwa dumalo ang dalawa sa pagdinig sa kasong kinakaharap ni Espinosa sa Manila Regional Trial Court na may kaugnayan sa ilegal na droga.

Nagkamayan pa sina Espinosa at Espenido bago magsimula ang hearing.

Tumestigo si Espenido kaugnay sa pagsalakay na isinagawa noon ng Albuera police sa basketball court sa harapan ng bahay ng pamilya Espinosa.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...