Micronesia, niyanig ng magnitude 6.5 na lindol

Niyanig ng magnitude 6.5 na lindol ang Micronesia.

Sa record ng USGS, naitala ang pagyanig sa 54 kilometers northwest ng Fais, Micronesia alas 8:22 ng umaga oras sa Pilipinas.

Una nang naitala sa magnitude 6.6 ang pagyanig pero ibinaba ng USGS sa 6.5 kalaunan.

Samantala, pinawi naman ng Phivolcs ang pangamba ng tsunami sa mga baybayin ng Pilipinas nang dahil sa nasabing lindol.

 

 

 

 

 

 

Read more...