Dismayado na si Pangulong Rodrigo Duterte sa korupsyon sa Pilipinas.
Dahil dito, napag-iisipan na ni Duterte na ilagay sa kategoryang mga durugista ang mga tiwaling kontraktor na pumapasok sa sari-saring proyekto sa pamahalaan.
Paliwanag ng pangulo, kapag napasok na sa kategoryang durugista, madali nang mapatay ang mga tiwaling kontraktor.
Kapag napatay na ayon sa pangulo, maari na lamang silang maidagdag sa listahan ng mga napatay dahil sa isyu ng human rights.
Sinabi pa ng pangulo na wala siyang pakialam kung napapatay o hindi ang mga tiwaling kontraktor basta’t ang importante ay maalis ang red tape sa pamahalaan.
“It is unlawful to kill pero gusto mo sila ilagay na sa category ng drugs para mas madali kasi pag sinabi na, ‘Durugista ‘yan’. Idagdag na lang niya pangalan niya doon sa listahan ng human rights, ‘di okay na. Pakialam ko ba diyan kung mamatay kayo o hindi,” ayon sa pangulo.