WATCH: Lalaki, patay sa pamamaril sa QC

Kuha ni Justinne Punsalang

Isang tama ng bala sa pagitan ng leeg at panga ang tumapos sa buhay ng isang lalaki sa Geronimo Street, Barangay Santa Monica sa lungsod Quezon.

Kinilala ang biktimang si Basilio Abordo, limampu’t tatlong taong gulang na residente sa naturang lugar at nagtitinda ng buko.

Kwento ng saksi at kapitbahay ng biktima, nag-iinom mag-isa sa kanyang bahay ang biktima at inutusan pa siyang bumili ng yelo.

Bandang alas 11:00 ng gabi nang makarinig ang saksi ng dalawang putok ng baril sa loob ng bahay ni Abordo.

Narito ang ulat ni Justinne Punsalang:

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...