Ayon sa PAGASA, apektado ng northeast monsoon ang Northern at Central Luzon kasama na ang National Capital Region.
Kagabi pa lamang nagsimula na ang mahinang pag-ulan sa Metro Manila at sa mga lalawigan ng Quezon, Rizal, Bulacan at Laguna.
Pagsapit nang alas 2:00 ng madaling araw, light hanggang moderate at kung minsan ay malakas na na pag-ulan na ang naranasan sa nabanggit na mga lugar.
Hanggang kaninang alas 4:30 ng umaga, sinabi ng PAGASA na patuloy na nakararanas ng hanggang moderate na pag-ulan sa NCR, CALABARZON, Bataan at sa Bulacan.
Samantala, ang iba pang bahagi ng Luzon, at ang Eastern Visayas ay apektado naman ng tail-end ng cold front.
MOST READ
LATEST STORIES