Air Force chopper, nag-emergency landing sa tubuhan sa Negros Occidental

 

Nakaligtas sa kapahamakan ang mga sakay ng isang Air Force helicopter makaraan itong makaranas ng aberya at mapilitang mag-emergency landing sa Negros Occidental.

Nagawang mailapag sa isang tubuhan sa Barangay Pilar sa Hinigaran, Negros Occidental ng piloto ang kanyang sinasakyang Air Force Huey helicopter bago pa man ito tuluyang mawalan ng kontrol.

Maswerteng nagtamo lamang ng bahagyang sugat ang dalawa sa mga sakay ng helicopter na mga sundalo ng Army 62nd Infantry Battalion.

Bukod dito, wala namang natamong pinsala ang piloto at tatlong crew ng helicopter.

Nagmula umano sa isang encounter sa Himamaylan City ang helicopter at lulan ang ilang sundalo na nakipagbakbakan sa NPA sa Barangay Buenavista.

Pabalik na sana sa Bacolod ang helicopter nang makaranas ito ng aberya.

Matapos isailalim sa troubleshooting, nakalipad rin ng maayos ang helicopter ng Air Force.

 

Read more...