Ayon sa SWS, lumobo sa 11.8 percent o tinatayang nasa 2.7 milyong pamilya ang nakaranas ng kahit isang beses na pagkagutom sa nakalipas na tatlong buwan.
Mas mataas ito ng 2.3 puntos na naitala noong June 2017 na nasa 9.5 percent lamang o tinatayang 2.2 milyong pamilyang Pilipino.
Sa kabuuang bilang na ito, 2.2 milyong pamilya o 9.6 percent ang nakaranas ng ‘moderate hunger’ o katamtamang pagkagutom habang 2.1 percent naman o nasa 493,000 pamilya ang nakaranas ng lubhang pagkagutom o ‘severe hunger’.
Naitala ang pagtaas ng insidente ng pagkagutom sa lahat ng lugar sa bansa maliban sa Mindanao.
Ang antas ng pagkagutom sa rehiyon ay bumaba sa 9.7 percent mula sa 11.3 percent.