Gayunman iginiit ng pangulo na magpapatuloy ang kampanya hanggang sa huling araw niya sa puwesto upang tuluyang masugpo ang pamamayagpag ng droga sa bansa.
Sa kanyang naging talumpati sa Clark Pampanga, sinabi ng pangulo na hindi normal sa mga Pilipino ang pumatay ng kapwa Pilipino.
Gayunman, labis-labis na aniya ang suliranin ng bansa sa ipinagbabawal na gamot.
Sa katunayan aniya, nasa apat na milyong Pinoy na ang lulong sa droga at halos kalahati ng mga barangay sa buong bansa ang apektado na.
At upang masawata ito, gagamitin niya aniya ang lahat ng paraan upang maubos ang mga tulk ng droga.
Wala rin siya aniyang pakialam kung ano man ang sabihin ng mga kritiko ng kanyang kampanya.
Gayunman, kung may paraan aniyang maiisip ang sinuman upang ganap na maresolba ang problema sa droga, ay handa niya itong pakinggan at gawin.