US senator, magbibitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon ng sexual harassment

 

Magbibitiw sa puwesto sa mga susunod na linggo si senator Al Franken, ang US senator na inaakusahan ng panghihipo at sexual misconduct ng ilang kababaihan nitong mga nakaraang buwan.

Sa isang press conference, inanunsyo ni Franken ang kanyang desisyon bilang tugon sa panawagan ng kapwa niya mga Democrat senator na bumaba na ito sa puwesto sa gitna ng mga kontrobersiya.

Gayunman, iginigiit ni Franken na walang katotohanan ang karamihan sa mga ibinabatong alegasyon laban sa kanya.

Si Franken ay una nang inakusahan ng isang Los Angeles radio anchor na si Lean Tweeden na umano’y sapilitan siyang hinalikan sa isang tour noong 2006.

Nasundan pa ito ng ilan pang akusasyon ng sexual misconduct laban sa senador.

Dahil sa mga akusasyon laban sa mambabatas, naharap sa isang Senate Ethics Committee investigation si Franken.

Read more...