North Korea, nagbantang hindi aatras sa digmaan kung kinakailangan

 

Nagbabala ang Pyongyang na hindi nito tatanggi na makipagdigmaan kung patuloy na uudyukan Amerika.

Ayon sa foreign ministry ng North Korea, ang naging pahayag kamakailan ng isang mataas na opsiyal ng US at ang mga aerial drills ng Seoul at Washington ay nagpapakita ng “step-by-step” approach upang magkaroon ng giyera sa Korean Peninsula.

Hindi aniya nila nais magkaroon ng giyera pero hindi nila ito uurungan at kapag nagkamali ang US.

Banta pa ng North Korea, kanilang sisiguruhin na tiyakang malulumpo ang Amerika sa pamamagitan ng kanilang makapangyarihang nuclear force.

Binalaan naman ni Mike Pompeo, Director ng Central Intelligence Agency si North Korean leader Kim na hindi nito naiisip kung gaano kadelikado ang posisyon nito sa mundo.

Samantala, sinabi naman ni US National Security Adviser HR McMaster na ang posibilidad ng giyera laban sa North Korea ay tumataas araw-araw.

Read more...