Ito ang kinumpirma ng lokal na pamahalaan ng lungsod sa pamamagitan ng isang Facebook post.
Gayunman, hindi tinukoy ang dahilan ng pagpanaw ng dating opisyal.
Bukod sa pagiging bise-alkalde ng Quezon City noong 1992, nakilala rin si Planas matapos itong maging tagapagsalita ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong 2010 hanggang 2011.
Nagsilbi rin ito bilang pangulo rin ito ng Quezon City Parks Development Foundation at naging opisyan ng Nayong Pilipino Foundation.
Isa rin si Planas sa lumaban sa rehimeng Marcos at nakulong rin noong 1972 matapos ideklara ang martial law sa bansa.
Bilang pagkilala sa mga naiambag ng dating bise-alkalde, isang memorial service ang isasagawa para kay Planas alas-9:00 ng umaga, sa Quezon City Hall, ngayong Byernes.