Manila, ‘dead city’ na sa loob ng 25 taon-Duterte

 

Inquirer file photo

Magmimistulang isang ‘dead city’ na ang manila sa susunod na dalawamput limang taon.

Sa talumpati ng pangulo sa Kapampangan Food Festival sa Clark Pampanga, sinabi nito na unti-unti nang mabubulok ang siyudad.

Wala na rin aniyang paraan para maisaayo pa ang Maynila.

Katunayan, sinabi ng pangulo na hindi na rin maganda ang Manila sa pagtatayo ng mga industriya sa susunod na taon.

Sakali mang isailalim sa rehabilitasyon, kinakailangan aniyang alisin muna ang mga tao at ilipat sa mga kalapit na probinsya.

Dagdag pa ng pangulo, kung ire-rehabilitae ang Manila, dapat gayahin ang Clark, Pampanga na may maayos na plano.

Dapat din aniyang ayusin ang mass transport system at kung hindi man palawakin ang mga kalsada.

Read more...