Radyo Inquirer tumanggap ng pagkilala sa paghahatid ng balita mula sa Marawi City

Ginawaran ng pagkilala ng pamahalaang panlalawigan ng Lanao del Sur ang mga naging bahagi ng krisis sa Marawi City.

Pinangunahan ni Gov. Bedjoria Soraya Alonto Adiong ang paggagawad pagkilala sa social hall ng Lanao del Sur Provincial Capitol sa Marawi City.

Kabilang ang Radyo Inquirer 990AM at Philippine Daily Inquirer sa ginawaran ng pagkilala.

Ayon kay Alonto-Adiong, mahalaga ang papel na ginampanan ng mga media organization sa limang buwang digmaan na nagbigay ng tamang impormasyon sa publiko.

Gayundin anya ang pagtutok sa pagbangon ng Marawi City.

Tinanggap nina Erwin Aguilon, reporter at Fritz Michael Sales, cameraman ang plake ng pagkilala mula mismo sa gobernadora.

Simula ng pumutok ang giyera hanggang sa unti-unting bumabangon ang Marawi City ay nagpadala ng mga reporter at cameraman ang Radyo Inquirer upang tumutok sa mga nangyayari doon Bukod sa mga media organization binigyan din ng recognition ang militar, pulis, rescue group at iba pang mga nagboluntaryo ng kanilang serbisyo.

Read more...