SC at DOJ nilusob ng mga ralyista mula sa Mindanao

Photo: Alvin Barcelona

Nasa limampung mga miyembro ng grupong Barug Katungod Mindanao ang lumusob at nagsagawa ng kilos protesta sa harap ng gusali ng Korte Suprema sa Padre Faura sa Maynila.

Ayon kay Ryan Amper, tagapagsalita ng grupo, mariin nilang kinokondena ang pagkampi ng Supreme Court sa idineklarang martial law ni Pangulong Rodrigo Duterte nang ibasura nito kamakailan ang mga petisyon na kumukuwestiyon sa batas militar sa Mindanao.

Mistula na rin daw pinahintulutan ng mga mahistrado ang pangha-harass at pambobomba partikular sa mga Moro at Lumad sa rehiyon.

Kaugnay nito, gusto ng grupo na managot si Pangulong Rodrigo Duterte bilang Commander-in-Chief ng AFP sa mga dinadanas ngayon ng mga mamamayan sa Mindanao.

Mula naman sa supreme court lumipat ang grupo sa tanggapan ng Department of Justice kung saan ay mariinin nilang kinondena ang kawalang silbi ng ahensya sa pagbibigay ng hustisya sa mga katutubo, magsasaka at mga human rights defender na biktima ng extra judicial killings at harrasment mula sa militar.

Read more...