Magarbong Christmas parties, bawal sa public schools

Mahigpit na ipinaaalala ng Department of Education sa mga pampublikong eskwelahan na bawal ang pagdaraos ng magarbong Christmas parties at paniningil ng kontribusyon sa mga estudyante.

Ayon kay DepEd Sec. Leonor Briones, boluntaryong kontribusyon lamang ang maaring hingiin para magdaos ng party, at dapat ay pinagkasunduan ito ng PTA o Parents-Teachers Association.

Nanawagan rin si Briones na huwag masyadong malaking halaga ang hingiing kontribusyon upang hindi mahirapan ang mga magulang.

Nagpaalala rin ang Civil Service Commission na mahigpit na ipinagbabawal ang pagso-solicit ng mga kawani ng gubyerno, kabilang na ang mga public school teachers.

Paliwanag ng Civil Service Commission, maaring mag-party ang mga empleyado, basta’t hindi maaapektuhan ang kanilang trabaho, at pagbibigay-serbisyo sa publiko.

 

Read more...