Halos 500 application para sa Christmas special bus trips, natanggap na ng LTFRB

Sinimulan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na iproseso ang 482 aplikasyon ng mga kumpaniya ng bus para sa Christmas Special Permits.

Ayon kay LTFRB Board Member at Spokesperson Atty. Aileen Lizada, sasakupin ng aplikasyon ang may 1143 bus units.

Mahigit sa kalahati ng aplikasyon ay para sa biyahe sa iba’t ibang bahagi ng northern Luzon.

Nabatid na ang huling pagtanggap ng mga aplikasyon ay noong nakaraang November 29.

Noong nakaraang taon, 477 applications ang tinanggap ng LTFRB para sa 1,190 units, ngunit 432 lang ang naaprubahan para sa 979 units.

Ang special permits ay may bisa mula sa Disyembre 23 hanggang Enero 8, 2018.

Read more...