Human rights, ‘di sapat na rason para mabigyang proteksyon kontra-droga -Duterte

“No human rights will protect you.”

Ito ang matapang na babala ni Pang. Rodrigo Duterte sa mga taong sangkot sa iligal na droga.

Paliwanag ng Pangulo, pursigido siyang tuldukan an

Inquirer file photo

g problema sa droga dahil dito naka-sentro ang kanyang kampanya noon.

Hinamon pa ng Pangulo ang kanyang mga kritiko sa Human Rights Group na dagdagan pa ang inaakusang bilang ng mga napatay sa drug operations, lalo pa at balik na ang Philippine National Police sa anti-drug campaign.

Dahil sa wala pa ring tigil ang mga human rights groups sa pagbatikos, inalok na sila ng Pangulo na manatili sa bansa, at bibigyan pa sila ng gusali kung saan sila maaring mag-opisina.

Read more...