Ayon kay AFP public affairs chief Col. Edgard Arevalo, kailangan nila ang pakikilahok ng mga mamamayan at ng lokal na pamahalaan upang mapigilan ang pag-anib ng mga tao sa teroristang grupo.
Bilin ni Arevalo sa mga tao, sakaling may mapansin na mga hindi karaniwang aktibidad o kahina-hinalang mga tao na nag-iikot sa kanilang mga lugar, mangyari lamang na isumbong ito agad sa militar upang agad na maberipika at maaksyunan.
Inasahan na rin aniya nila ang recruitment ng teroristang grupo dahil alam nilang hindi nila basta tatanggapin ang kanilang pagkatalo sa Marawi City.
Gayunman, tiniyak ni Arevalo na nakahanda ang AFP na aksyunan ito at pigilan ang pagpapalakas muli ng pwersa ng mga kalaban.