Putin, tatakbong muli sa pagka-presidente ng Russia

 

Tatakbong muli sa eleksyon sa Marso ng susunod na taon si Russian president Vladimir Putin.

Inanunsyo ng Russian leader ang kanyang paghahangad na muling maging presidente habang nakikipagpulong sa mga manggagawa ng GAZ factory sa syudad ng Nizhny Novgorod.

Kung sakaling manalo sa susunod na eleksyon at manatiling pangulo  ng Russia sa susunod na anim na taon, siya na ang ituturing na longest-serving president simula noong panahon ni Joseph Stalin.

Sa kasalukuyan, si Putin ay labing-walong taon nang nanunungkulan bilang lider ng Russia.

Inaasahan ring malaki ang magiging posibilidad na manalong muli si Putin dahil sa umaani pa rin ito ng 80 percent popularity rating sa kanyang bansa.

Ito’y sa kabila ng mga umano’y alegasyon ng korupsyon, kahirapan at mahinang healthcare program ng kanyang aministrasyon.

Read more...