EXCLUSIVE: 29 estudyante ng Jesus Cabarrus Elementary sa Antipolo, naospital dahil sa hotdog

 

Isinugod sa ospital ang mga mag-aaral ng Jesus Cabarrus Elementary School matapos makaranas ng mga sintomas ng food poisoning.

Sa eksklusibong panayam ng Radyo Inquirer kay Arnold Latigay, lolo ng dalawa sa mga biktima, sinabi nito na nakaranas ng pananakit ng tiyan at pagsusuka ang kanyang dalawang mga apo.

Kwento ng kanyang mga apo, kinain nila ang tindang hotdog sa kanilang paaralan na tinuturong dahilan ng pagsusuka.

Kuha ni Justinne Punsalang

Ayon pa kay Latigay, pilit na pinabibili sa mga mag-aaral ang mga paninda sa paaralan at tinatakot umano ang mga bata na hindi palalabasin kung hindi mauubos ang mga paninda.

29 na mga pasiyente ang kasalukuyang inaasikaso ng mga doktor sa Rizal Provincial Hospital System – Antipolo Annex II sa Barangay Dalig.

Read more...