Ito ang pangungutyang binitiwan ni Senador Antonio Trillanes kina Pangulong Rodrigo Duterte at Communist Party of the Philippines founder Jose Maria Sison.
Paliwanag ni Trillanes, noong mga nakaraang panahon aniya ay magkakasabwat si Duterte at Sison noong alkalde pa lamang ang pangulo ng Davao City.
Ngayon aniya na iba na ang sitwasyon ay mistulang pinababayaan na ng pangulo ang mga rebelde at nililigawan na ang AFP.
Sa panig naman aniya ni Sison, noong magkaibigan pa sila ni Duterte ay kataka-takang naging tahimik ito sa kasagsagan ng mga gabi-gabing patayan sa mga lansangan sa ilalim ng Duterte administration.
Ngayon lamang aniya nagiging maingay sa isyu si Sison nang magkaroon na ng lamat ang kanilang relasyon ng Pangulo, giit pa ni Trillanes.
Matatandaang idineklara nang terorista ni Pangulong Duterte ang CPP at ang New People’s Army sa pamamagitan ng isang proklamasyon.