TINGNAN: Listahan ng mga walang pasok sa Biyernes, December 8, 2017

 

Ilang mga paaralan, lungsod at lalawigan ang nagdeklara ng suspensyon ng klase sa Biyernes, December 8 dahil sa iba’t ibang okasyon.

Sa bisa ng Proclamation 367 ng tanggapan ng pangulo, idineklarang Special Non-Working Day ang December 8 sa buong lalawigan ng:

-Batangas.

Wala ring pasok ang sumusunod na mga lugar dahil sa kanya-kanyang mga okasyon at anibersaryo ng pagkakatatag ng kanilang mga lungsod at munisipyo:

-Agoo, La Union (439th founding anniversary ng munisipalidad)
-Angeles City (188th founding anniversary ng lungsod)
-Antipolo City (ika-426 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Munisipyo ng -Antipolo at selebrasyon ng Antipolo Town Fiesta)
-Taguig City (cityhood anniversary)

Upang bigyang daan naman ang Marikina Teacher’s Day ay wala ring pasok sa mga paaralan sa lungsod ng:

-Marikina.

Samantala, ilang mga paaralan naman ang nagdeklara ng suspensyon ng klase para sa Dakilang kapistahan ng Immaculada Concepcion.

Ito ay ang mga sumusunod:

-Colegio de San Juan de Letran (Manila, Bataan)
-Mariano Marcos State University (Batac, Ilocos Norte)
-University of Santo Tomas
-Holy Cross of Davao College

Samantala, nasa desisyon na ng mga direktor ng mga Catholic Schools sa bansa kung sila ay magdedeklara rin ng suspensyon ng klase sa naturang araw.

Matatandaang naipasa na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang gawing holiday sa buong bansa ang kapistahan ng Immaculada Concepcion.

Sakaling maaprubahan ng Senado ay saka pa lamang ito mapipirmahan ng pangulo taliwas sa mga kumakalat na pekeng balita na holiday na sa buong bansa sa Biyernes.

 

Read more...