Magsasagawa ng dry-run para sa High-Occupancy Vehicles (HOV) lane sa EDSA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa December 11, araw ng Lunes.
Inanunsyo ni MMDA Assisstant General Manager for Planning Jojo Garcia na ilalaan nila ang ikalimang lane, o ang innermost lane sa EDSA para sa HOV.
Ayon kay Garcia, hindi papayagang dumaan sa HOV lane ang mga sasakyang driver lamang ang laman.
Ang HOV ay mga kotseng hindi bababa sa dalawang pasahero ang sakay kabilang ang driver.
Ayon kay Garcia, layunin ng hakbang na ito na maibsan ang trapiko sa EDSA.
Aniya, batay sa datos ng MMDA, umaabot sa 50% hanggang 60% ang mga sasakyan na tumatahak sa EDSA ang kadalasang driver lang ang sakay.
Hinihimok aniya ng MMDA na hindi bababa sa dalawang tao ang nasa sasakyan o kaya ay magsagawa ng carpooling.