LRT 1 may bagong pinuno

Itinalaga ng Light Rail Manila Corp. (LRMC) si Juan Alfonso bilang bagong President at Chief Executive Officer nito.

Pinalitan ni Alfonso si dating Public Works Sec. Rogelio Singson na ni-reassign bilang Light Rail Manila board director.

Si Alfonso ay dating Chief Operating Officer ng Aseagas Corp. ng Aboitiz Power.

Una na ring nanilbihan bilang Vice President for Corporate Services sa Aboitiz Power Renewables.

Epektibo ang pagtatalaga sa bagong pinuno ng LRMC noong December 1.

Nauna nang sinabi ng pamunuan ng LRMC na bibili sila ng mga dagdag na bagon para mas higit nilang maisaayos ang kanilang serbisyo sa publiko.

Read more...