Duterte humirit ng isa pang taon para tapusin ang problema ng droga sa bansa

“No human rights office will protect you. Just stop it.”

Yan ang babala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nasa likod ng sindikato ng droga sa bansa kasunod ng kanyang pahayag na bigyan pa siya ng isang taon para tuldukan ang drug problem sa bansa.

Sa kanyang talumpati sa harap ng mga bagong appoint na opisyal sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan, sinabi ng pangulo na balik ang matinding opensiba ng gobyerno laban sa droga.

May patutsada rin siya sa mga kritiko ng kayang giyera sa bawal na gamot, “the human rights commission can come here, even international groups. Bibigyan ko pa sila ng office. Basta tatapusin ko talaga yan”.

Laman ng memorandum number 17 ang utos ng pangulo sa Philippine National Police at iba pang law enforcement agencies na magtulungan sa kampanya sa droga.

Pero malinaw sa nasabing direktiba na ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) pa rin ang siyang mananatiling lead agency sa war on drugs ng pamahalaan.

Read more...