Ito ay matapos lumabas sa imbestigasyon na nagsagawa ang Russia ng “doping” o pagturok ng droga sa kanilang mga atleta upang mapaganda ang performance ng mga ito sa nakaraang 2014 games na mismong Russia ang naghost sa bayan ng Sochi.
Tumagal ang imbestigasyon sa naging pandaraya ng Russia ng 17 buwan sa pangunguna ng dating pangulo ng Switzerland na si Samuel Schmid.
Ilang beses na tumanggi ang Russia sa mga alegasyon ngunit nakakalap ng sapat na ebidensya ang grupo ni Schmid para patunayan ang manipulasyon.
Gayunpaman, papayagan ng IOC ang ilang mga atleta ng Russia kung mapatutunayan ng mga ito na sila ay malinis ngunit sila ay maglalaro lamang sa ilalim ng isang ‘neutral flag’.
Maglalaro ang mga ‘clean athletes’ sa ilalim ng pangalang “Olympic Athlete from Russia” OAR.
Ang winter Olympics ay magsisimula sa February 9, 2018.