27,000 inilikas dahil sa wildfire sa California

Courtesy: VCFD Twitter

Nasa 27,000 katao ang sapilitang inilikas matapos ang mabilis na paglaki ng wildfire sa Southern California.

Libu-libong kabahayan ang isinailalim sa mandatory evacuation sa mga lungsod ng Ventua at Santa Paula, na nasa 115 kilometro ang layo sa hilaga ng Los Angeles.

Higit 1,000 bumbero na ang nakikipagbuno sa apoy na tumupok na sa higit 45,000 acres na kalupaan.

Ayon sa mga opisyal, ang dahilan ng mabilis na paggapang ng apoy ay ang malakas na hangin.

Isang bumbero na ang sugatan habang nasa 150 istruktura na ang nasira at mahigit 260,000 katao ang walang kuryente dahil sa sunog.

Ibinabala ng mga awtoridad ang tindi ng usok na maaaring ibunga ng wildfire na delikado sa mga may sakit.

Hindi ito ang unang beses na natupok ang ilang bahagi ng California ng wildfires ngayong taon.

Nasa 40 katao ang namatay sa wildfire ding nangyari sa wine region ng Northern California nitong Oktubre.

Read more...